Eksibit

The Collection of Jane Ryan and William Saunders: Jewelry in Augmented Reality

February 25, 2022 - February 25, 2023

Ang Koleksyon nina Jane Ryan & William Saunders ay isang akdang radikal ng panunumbalik/paniningil na digital. Sa pagdulog sa pinagmulang salitang Latin; radix - 'ugat', pinapaganap nina Pio Abad, artist, at Frances Wadsworth Jones, designer, ang sandali ng pagsauli o pagbalik na nag-aangat ng nanigas ngunit hindi-kilalang mga multo ng nakaraan ng Pilipinas tungo sa pagmuni sa hinaharap na mas may kamalayan. Gamit ang 3D scanning at mga teknolohiyang Augmented Reality (AR), ang proyekto, na curated ni John Kenneth Paranada, ay nagbubunsod at nagsasalansan ng mga replikang digital ng mga pinagtatalunang koleksyon ng mga palamuti ni Imelda Marcos: mga wangis ng nanakaw na kaban, sa mamamayan ng Pilipinas.

Artist

Pio Abad and Frances Wadsworth Jones

Tungkol sa

Nagsimula noong 2018 ang kolaborasyon nina Pio Abad, Pilipinong artistang nakabase sa London, at Frances Wadsworth Jones, designer na Briton. Mula noon ay magkatuwang silang nag-eksibit sa Jameel Arts Centre sa Dubai; Kadist sa San Francisco; Bellas Arts Projects sa Maynila; at sa ikalawang Honolulu Biennial sa Hawai'i. Isa sa mga mga nakaabang nilang proyekto ang ikalimang Kochi-Muziris Biennial sa 2022. Naitampok si Abad sa internasyunal ng mga proyekto sa nakalipas na sampung taon, pinakahuli sa Museum of Contemporary Art, Tokyo; ika-12 Gwangju Biennial; Para Site sa Hong Kong at sa CCA Glasgow. Nagkaroon kamakailan si Wadsworth Jones ng mga pagtampok sa London Fashion Week at Paris Fashion Week; Vitsoe, Munich; David Roberts Arts Foundation sa London, at sa The Museum of London. Ang kanilang mga likha ay nasa mga koleksyon ng Hawai'i State Art Museum sa Honolulu, Art Jameel sa Dubai, at Tate sa UK.

Si John Kenneth Paranada ay Pilipinong curator, manunulat, at mananaliksik na nakabase sa London. Siya ay kasalukuyang Curator ng Performance and Engagement sa Zabludowicz Collection sa London. Siya rin ay nagtratrabaho para sa pasinaya ng Centre of Ecologies, Sustainable Transitions and Environmentatl Consciousness (CESTEC) sa Los Baños, Pilipinas - isang eksperimental na platapormang ekolohikal para sa trans-displinaryong kasanayan upang mapagkaisa at mapino ang mga tropikal na pagbabaybay ng hinaharap. Naging curatorial research fellow siya sa New Museum New York na katuwang ang NTU CCA Singapore. Nagtrabaho siya sa mga galeri at institusyon gaya ng kamel mennour gallery, RAW Material Company sa Dakar, HKW Berlin, Swiss Pavilion, at sa London Design Biennale 2016, NUS Museum sa Singapore, sa ika-9 na Shanghai Biennale, at iba pa.

Paglalagom