Ikalawang Modyul ng Pampublikong Pambungad ng 21AM: Mga rehiyonal na organisasyong pansining, mga inisyatibo at mga espasyo
Dagdág Dunong

Ikalawang Modyul ng Pampublikong Pambungad ng 21AM: Mga rehiyonal na organisasyong pansining, mga inisyatibo at mga espasyo

Apatnapu't siyam na institusyong at inisyatibong sining-biswal mula sa buong bansa ang lumahok sa Ikawalawang Modyul ng Pampublikong Pambungad ng 21AM na nilahad ng CCP VAMD noong 22 Oktubre 2020 sa Zoom. Pumagitan sina Carmencita Bernardo ng CCP Cultural Exchange Department at Rica Estrada ng VAMD. Ang mga paksang tinalakay ay accessibility sa mga online platform, mga tanong tungkol sa paggawa ng digital na sining, at mga posibilidad ng kolaborasyon at suporta mula sa mga komunidad na pansining sa labas ng Metro Manila at ng CCP.