Dahil sa mga limitasyon sa copyright, ang imaheng ito ay pang-21AM lamang.

Tingnan sa Hypermedia

Genesis Tapestry

Tapestry

Manlilikha

HERNANDO R. OCAMPO / BIZENYA WEAVING CO. (Kyoto, Japan)

Petsa ng paggawa

1969

Pangkat ng Wika ng Manlilikha

Tagalog

Kolektibo ng mga Manlilikha

n/a

Lugar ng Pinanggalingan

Metro Manila

Kasaysayan ng paglipat ng pagmamay-ari o pinagmulan

Comission

Klasipikasyon ng proseso ng pagkagawa

Tapestry

Sub-Klasipikasyon ng proseso ng pagkagawa

Walang handang data sa ngayon

Uring Antropolohikal

Walang handang data sa ngayon

Uring Museolohikal

Walang handang data sa ngayon

Uring Sub na Museolohikal

Walang handang data sa ngayon

Kondisyon

Good

Materyal

woven unknown dyed fibers

Mga Sukat

1097.00 x 1828.80 x 1.60 cm

Pahayag ng Manlilikha

Walang handang data sa ngayon

Anotasyon

Nakasabit ang napakalaking tapestri ng wari’y umaapoy na Kubismo bilang kurtinang panangga sa apoy, sa Pangunahing Teatro ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Ito’y malaking bersyon ng isang pininturang oleo sa kambas, na pag-aari ng pamilya ni Arkitekto Leandro V. Locsin, ang arkitecto ng gusali. Tapat sa orihinal ang bersyong kurtina. Tipikal sa obra ni Hernando R. Ocampo, Pambansang Alagad ng Sining, ang nagpintura, ang ganitong komposisyon. At maaring pagkahuluganan ang obra sa pamamagitan ng pagkilala kay Ocampo bilang makata at mamamahayag sabay ng pagka pintor. Ang nilalaman ay maaring iisa or marami, o isa and marami, sa pagkakapareho ng diwa ng isang Kubismo dapat malamig, na dito, sabay na mainit na imahen.

Kuro-kuro ng isang curator

Pinangalanan ni Ocampo ang obrang ito na “Henesis” at wari’y humihingi ng tugon sa direksyon ng talinhaga. Dahil dito, maaring dalhin ang pagtugon sa painting sa ibang direksyon: ang kaibhan ng sinaunang tradisyon ng paggawa ng sining na kumakatawan imbis na humahalili. Pawang may kinalaman sa mga konsepto ng pinagmulan ang mga pigurang reptilyo na palagiang nakikita sa mga hinabi at nililok, sampu ng sa pagpapanday ng bakal at paggawa ng paso. Kasapi ang mga pigurang ito sa pagsisimula ng buhay. Narito ang kaibhan: sa Modernismo ni Ocampo, ang henesis ay talinhaga. Sa tradisyonal na sining sa Pilipinas, ang henesis ay nasa katawan ng mga nagbabagobagong reptilya.

Paglisensya

Ang ekslusibong Mga Karapatang Intelektwal na Pag-aari ng mga impormasyong nakatala sa website na ito ay nananatili sa (mga) manlilikha at sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, at protektado ng mga batas ng Republika ng Pilipinas. Walang anumang bahagi ng website ang maaaring i-reproduce, ilathala, ipamahagi, o ipakalat sa anumang anyong pampubliko o anumang paraang komersyal nang walang paunang nakasulat na pahintulot mula sa (mga) manlilikha at sa CCP.

Para humingi ng mga pahitulot at paglisensya, mag-email sa vamd@culturalcenter.gov.ph.

Feedback

Patuloy kaming nag-aaral tungkol sa aming mga koleksyon at sa pag-update ng nilalaman ng website na ito. Mayroon bang hindi wasto na impormasyon sa rekord na ito, na sa tingin mo ay kailangan naming ayusin o baguhin? Kontakin kami sa vamd@culturalcenter.gov.ph.