Three Women with Baskets
Painting
Manlilikha
ANITA MAGSAYSAY-HO
Petsa ng paggawa
1976
Pangkat ng Wika ng Manlilikha
Tagalog
Kolektibo ng mga Manlilikha
n/a
Lugar ng Pinanggalingan
Metro Manila
Kasaysayan ng paglipat ng pagmamay-ari o pinagmulan
none
Klasipikasyon ng proseso ng pagkagawa
Painting
Sub-Klasipikasyon ng proseso ng pagkagawa
Walang handang data sa ngayon
Uring Antropolohikal
Artwork
Uring Museolohikal
Walang handang data sa ngayon
Uring Sub na Museolohikal
Walang handang data sa ngayon
Kondisyon
Excellent
Materyal
Oil on canvas
Mga Sukat
90.50 x 75.50 x cm
Pahayag ng Manlilikha
Walang handang data sa ngayon
Bibliograpiya
To know more about this artwork, watch its feature from CCP's Cultural Cache Online video series: Cultural Cache Online Season 3: “Three Women with Baskets” by Anita Magsaysay-Ho
Anotasyon
Tipikal sa pagkalahatang obra ni Anita Magsaysay Ho ang ganitong eksenang agrikultural. Gumamit siya ng komposisyong hango sa Klasikal na sining, kung maalala’y hawig ang obrang ito sa Tatlong Grasya o Tatlong Paraluman na kumakatawan sa ideya ng ganda ng babae sa Kanluraning Mundo—na isinalin dito sa paglilinang ng palay. Nababasa ng maraming Pilipino ang banggit dito sa palay: hinuhudyat ito ng tatlong baskit pantahip. Sa pormulasyon ni Magsaysay Ho, ginawang abstrak ang figura ng babae, na nagmistulang prototipo ng pisanteng nakikilala sa damit at bandana. Nakakonteksto sa pinatag na latag ng kulay na nagsasaad ng isang panlahatang saysay ng trabahong agrikultural sa Pilipinas, naging anonimo at simbolo ng buod ng pagkababae, hindi ng kanilang kagandahan, ngunit bilang isang arketipo ng paggawa: ang pisante bilang babae. Ginamit ni Magsaysay Ho ang kanyang teknik ng pagpipinturang mabilisang hagod upang magpamalas ng isang ideya ng kariktan sa isang espasyong luntian, na sinabad sa isang bahagi ng kadiliman.
Kuro-kuro ng isang curator
Nanatili ang pagdaloy ng paksa ng palay at paglilinang ng palay sa sining biswal sa Pilipinas—sa iba’t ibang tilapon ng sining na ito sa loob ng ika-20 dantaon. Kahit na makakapa lamang ang paksang ito at hindi lantad, tulad ng obrang ito ni Anita Magsaysay Ho, sadyang nakapagpapalantad ang pinagkrusan ng palay at sining ng mga saloobin (o pagtingin) ng iba’t ibang kulturang Pilipinong hinubog ng kasaysayan. Ginawang uliran ni Magsaysay Ho sa kanyang obra ang buhay magsasaka (tulad ng ginawa ni Fernando Amorsolo) sa kabila ng kanyang pagtangkilik sa isang Modernismo may pagkiling sa Social Realism. Itong pag-uulirang ito’y sinagot ng pangontrang naratibo ng higit na dramatikong Social Realism umiral sa mga dekadang sumunod sa pagusbong ng Modernismo sa Pilipinas—na bukod pa’y lumipat ng diin mula sa palay puntang asukal.
Datapwat, pareho itong dalawang uri ng Modernismo—yaong gumawa ng paguliran sa bukay kabukiran ang yaong kumontra dito—na ibang iba sa relasyon ng pagsasaka ng palay at mga nililok at pinagritwalang bulol at punamhan sa kulturang Ifugao. Sa kulturang ito sa labas ng Modernismo, at ang tunay, sa labas ng diskurso ukol sa sibilisasyon, hindi umaadhikang maguliran o kumokontra sa pauuliran ng pagsasaka ang pagpapahayag sa pamamagitan ng obrang nililok. Ito’y sa dahilang, umiiral ang pagpapahayag kultura sa labas ng pagnanasang paguliran ng kung ano o tuligsain ang paguulirang ito. Sa tradisyong Ifugao, nagbibigay sa pamayanan ng pisikal na bagay na makapagbubuod ng isang complex na kaalamang-kalakhan.
Paglisensya
Ang ekslusibong Mga Karapatang Intelektwal na Pag-aari ng mga impormasyong nakatala sa website na ito ay nananatili sa (mga) manlilikha at sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, at protektado ng mga batas ng Republika ng Pilipinas. Walang anumang bahagi ng website ang maaaring i-reproduce, ilathala, ipamahagi, o ipakalat sa anumang anyong pampubliko o anumang paraang komersyal nang walang paunang nakasulat na pahintulot mula sa (mga) manlilikha at sa CCP.
Para humingi ng mga pahitulot at paglisensya, mag-email sa vamd@culturalcenter.gov.ph.
Feedback
Patuloy kaming nag-aaral tungkol sa aming mga koleksyon at sa pag-update ng nilalaman ng website na ito. Mayroon bang hindi wasto na impormasyon sa rekord na ito, na sa tingin mo ay kailangan naming ayusin o baguhin? Kontakin kami sa vamd@culturalcenter.gov.ph.